Powered by Blogger.



4/recent posts
free tagalog tarot reading, free tagalog online tarot reading, itanong mo sa baraha

Mga Kristal na Pampaswerte sa Pag-ibig



Marami pa rin sa atin ang naniniwala na mayroong kapangyarihan ang ating isipan na mabigyan ng katuparan ang ating mga kahilingan.

Bukod sa pagsindi ng kandila o pag-usal ng mga panalangin, may mga gumamit rin ng mga kristal upang maisagawa ito.

Ito ang mga kristal na maaari nating maggamit sa panghalina o pang-akit ng kabiyak, pampabalik ng minamahal, pampatibay ng relasyon . . . mga biyaya mula sa kalikasan na nagtataglay ng swerte sa pag-ibig.

1. Rose Quartz


Popular na kristal para sa pag-ibig, ang Rose Quartz ay ginagamit upang matutunan ng isang tao na mahalin ang kaniyang sarili, o makahalina siya ng tunay na pag-ibig.

Dahil ito’y nagtataglay ng healing properties, nakakatulong ito na mapaghilom ang puso na nababalot ng matinding kalungkutan o ng poot.

Bukod sa pang-akit ng kapareha, nakakatulong ito na mapaunlad ng isang tao ang kaniyang relasyon sa kaniyang mga mahal sa buhay.

2. Amethyst


Kung ikaw ay hirap nang magmahal o matiwalang muli, malaki ang maitutulong ng batong ito sa iyo na mapaghilom ang iyong puso.

Dahil nakakatulong rin ito na maturuan ang isang tao na pahalagahan at mahalin ang kaniyang sarili, nailalayo siya ng Amethyst mula sa mga taong magdudulot lang ng pasakit sa kaniya.

Nakakatulong rin ito upang mapabalik ang isang kabiyak, at mapanatiling tapat ang isang minamahal.

3. Lapis Lazuli


Maayos na komunikasyon, na susi sa isang matagumpay na relasyon, ang ipinagkakaloob ng batong ito.

At dahil kapayapaan at katotohanan ang kinakatawan nito, makatutulong ito upang maipahayag ng isang tao ang kaniyang tunay na nararamdaman sa kaniyang kabiyak sa maayos o mahinahon na pamamaraan.

Kung dumadaan sa isang pagsubok na may kinalaman sa pag-ibig, makakatulong ang Lapis Lazuli upang makagawa ka ng isang desisyon na makapagbibigay ng kapayapaan ng kaisipan sa iyo.

4. Garnet


Tinaguriang stone of commitment, nakakatulong ito upang mapagtibay ang isang relasyon o makaakit ng isang pangmatagalang relasyon.

Nakakatulong rin ang Garnet na mabigyan ng stability ang isang tao upang maging kaaya-aya siya sa iba, at maiwasan niyang malagay sa mga unhealthy relationships.

Anumang relasyon na kaya pang isalba ay maibabalik ng batong ito sa dating sigla.

5. Red Jasper


Kung ikaw ay matagal nang naghahanap ng kabiyak, makakatulong ang Red Jasper dahil kilala ito na nakakapagpalakas ng karisma.

Nagbibigay ito ng emotional stability na isa sa mga pangunahing sangkap sa pagpapatibay ng pagsasama ng magkasintahan o mag-asawa.

Nakakatulong rin ang Red Jasper na mapanatili o maibalik ang alab sa isang relasyon.

6. Green Jade


Kung palagiang nakakaranas ng hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon, Green Jade ang makatutulong sa inyo dahil nagbibigay ito ng harmony at peace of mind.

Kilala rin ito na nagtataglay ng healing properties kaya kung nahihirapang ma-overcome ang heartaches, malaki ang maitutulong nito sa iyo.

May kakayahan ang batong ito na ilayo mula sa isang tao ang mga taong makapagbigay lang ng poot sa kaniyang puso.

7. Labradorite


Nagbibigay ang Labradorite ng katapangan na magagamit ng isang tao upang harapin ang mga problema sa pag-ibig na matagal na niyang tinatakbuhan.

Makakatulong rin ito na maibigay ang kaligayahan sa isang tao kahit pa wala itong kapareha. At kung may tao mang bibihag sa kaniyang puso, ibubunyag na ng batong ito ang mga kasinungalingan upang mailayo na ito bago pa man ito magdulot ng pasakit sa kaniya.

8. Black Onyx


Nakakatulong ang Black Onyx na mawakasan ang masasamang ugali na nakakasira sa isang relasyon.

Anumang hindi pagkakaunawaan ay masosulusyunan o maiiwasan sa pamamagitan ng batong ito.

At dahil highly protective ito, mailalayo ka nito mula sa mga unhealthy relationships. At kung nararanasan mo na ito, bibigyan ka ng lakas ng loob ng batong ito na mas piliin ang iyong sarili.

9. Aquamarine


Kilala ang Aquamarine na nagbibigay ng tunay na pag-ibig.

Kung maraming pag-aalinlangan sa kapareha o magiging kabiyak, nababagay ito sa iyo dahil may kakayahan itong ibunyag ang tunay na intensyon ng isang tao.

Taglay rin nito ang calming energy na nakakatulong sa magkapareha na harapin ang mga pagsubok na naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

10. Tiger’s Eye


Dahil nagtataglay ito ng enerhiya ng pagkakaisa, nababagay ito para sa mga magkapareha na nahihirapang harapin ang mga pagsubok na magkasama.

Nakakatulong rin ito upang mapanatiling tapat ng isang tao ang kaniyang kabiyak sa kaniya.

Kilala rin ang Tiger's Eye sa pagbibigay ng good fortune kaya magagamit ito upang makatagpo ng nararapat na kapareha.

Ano sa mga nabanggit ang sa tingin mong kailangan mo sa ngayon, at bakit? Let us know in the comment section below.
Labels
Share This
No comments:

404

We Are Sorry, Page Not Found

Apologies, but the page you requested could not be found.

Home